Sarap ng linggong to. hinde ko man lang naramdaman na tapos na ang linggo. Parang kahapon lang weekend tapos ngayon weekend na ulit. Kausap ko si Salve sa email kanina. Ang plano pupunta kami ng Los BaƱos. Ewan ko ba kung bakit excited ako palagi pumunta dun eh hinde naman ako dun graduate sa uplb pero para bang pakiramdam ko dun ako nag tapos. Sobrang ayos pa ng tambayan dun pakiramdam mo estudyante ka pa din lalo na sa LB square sa may isis, the best yung ambiance. Sa sahig lang kayo nakaupo tapos ang mura pa ng beer. Yung pang isang bucket dito pang kalahating kahon na dun, mura din pulutan, student friendly ba, ewan ko nalng ngayon. Dun lang ako naglalakad sa initan ng hinde nagrereklamo, nanlalagkit at nangangamoy usok na galing sa mga sasakyan. Tinext ko na nga si Salve na kung tuloy kaming pupunta ng LB magdala nalang sya ng shorts and shirt para komportable pag-naglalakad kami. Matitikman ko na naman ang papus siomai na walang arina na kung meron man hinde mo halata dahil kaunti lang hide tulad dito na parang arina lang yung binalot sa molo wrapper. Chocolate cake ng mernels na medyo buo buo pang asukal ang icing at amoy mo pa ang itlog na ginamit sa pag bake nito, isaw na ubod ng sarap ng sauce tapos yung pansit ulam dun sa parang beer house na hinde naman. Lakaran na naman to pero ayos lang atleast mababawasan sebo ko sa katawan. Sarap pa dun dahil kahit pagpawisan ka ng husto hinde ka babaho, depende nalang kung mabaho ka talaga, dahil hinde ganun kadumi ang hangin.
Excited nako isang oras nalang lalarga nako papunta kay salve para sunduin sya. tambay saglit tapos go na siguro or baka hinde nadin ako tumambay dahil sa sobrang miss ko na din sya. 200 na naman fare ko sa taxi pero ok lang ilang oras ko lang yun hehe(yabang). Sakto isang oras nalang lang tapos na tong araw na to. Kaso eto na naman tong home stretch ng shift namin. aga kasi namin natapos yung task for the day eh kaya lunch palng ala ng ginagawa kundi tumunganga. google to the max, kinig ng music sa mga hidden folders, tingin tingin sa mga mukhang toxic na ibang agent, tulog sa quiet room or pakanta kanta nalng kahit wala sa tono.
X-tra espesyal tong lakad na to kasi pareho na kaming sawa sa mga generic na dating scene dito sa metro. lagi nalng moa, glorietta or market market eh pare-pareho lang naman laman nitong mga kahon na to presyo lang pinagkaiba. Sinubukan ko nga pala tagalog gagamitin ko sa blog nauubusan na kasi ako ng ingles achaka kakaumay nadin mag-ingles eh. Speaking of english, I got my very first ticket for speaking tagalog on the floor, she bloody came out from nowhere then bam before I realize it I was giving my employee number to her, bwiset!!! Pero at least souvenir ba. Papa frame ko nga pala to.
Haaay tama na to! humahaba na naman. kodakan bukas tapos food trip then if we're lucky, star gazing sa freedom park tomorrow night.
Cheers!
Friday, August 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment